top of page
Lights in the Dark
GRADE 11-GAS

mga gawain sa filipino sa piling larangan

ONLINE PORTFOLIO

MGA BAGONG POST

PASASALAMAT

Contact

     Una sa lahat, ipinaaabot ng grupo ang napakalaking pasasalamat sa Panginoong Diyos na siyang nagsisilbing gabay sa paggagawa ng matagumpay na online portolio. Hindi sana magiging totoo ang bisyon ng grupo kung hindi ito ginabayan ng Panginoon. Pangalawa ay sa mga magulang ng mga kapangkat na nagbigay ng lakas, motibasyon, at pag-iintindi noong binubuo pa ang portfolio. Pangatlo ay sa guro ng asignaturang ito, si Gng. Maria Aicel Kristy A. Perez, na nagbigay ng suporta at gabay sa mga kapangkat sa paglikha ng mga sulatin.

 

          Ito rin ay pasasalamat sa mga taong nasa likod ng tagumpay ng portfolio na ito. Sila ay nagtulung-tulungan sa paggawa ng portfolio. Ito ay sina Gwynne Araño, Jill Macapaz, Carlos Resoso, at Klark Marquez.

 

       Inaasahan ng grupo na ang portfolio na ito ay magsisilbing gabay at tulong sa mga mambabasa at sa mga darating na mga mag-aaral sa senior hayskul. Ito ay hindi lamang ganap na pagkatuto ng Filipino Sa Piling Larangan kundi ito ay para rin sa mga hinaharap na mga proyekto o mga pangkolehiyong gawain. 

 

       Panghuli sa lahat ay nagpapasalamat ang grupo sa mambabasa. Salamat sa iyong pagtangkilik sa aming ginawang portfolio. Nawa ay magdulot ng tulong ang mga nilalaman nito para sa iyo.

bottom of page