
Si Gwen Araño ay isang simpleng tinedyer na may layuning tapusin ang kanyang pag-aaral at makahanap ng trabaho upang makalakbay sa iba't ibang panig ng mundo at mangolekta ng mga bagay na ninanais niya. Siya ay isang napaka-relaxed na tao kung saan pinipiling makita ang mga positibong aspeto sa buhay lalo na sa mga mahihirap na sitwasyon tulad ng mga proyektong pinapatong-patong. Ang dahilan niya na manatiling nahihikayat na tapusin ang lahat ng mga ito ay makapaghinga kaagad at wala nang inaaalala pa sa sumusunod na araw. Sa kabila ng pagkilos bilang tamad na tao sa lahat ng oras, tinitiyak niya na tapusin kaagad ang lahat ng mga gawain. Siya ay isang independent na taong humihingi lamang ng tulong kapag kailangan niya ito. Base sa kaniyang katayuan bilang isang estyudante, natatakot siya sa pamimilit at nais niyang tamasahin ang kanyang tinedyer na buhay bilang isang "carefree" na estudyante. At panghuli, ang taong ito ay handang magtrabaho "behind the scenes" at handang ipasa ang papuri sa ibang tao.

GWEN ARAÑo
Si Carlos Miguel Resoso ay isang Grade 11-GAS student sa LIDE Learning Center Inc. Siya ay labing-walo na taong gulang na. Siya ay isang mabait at masipag na tao. Hindi niya sinusukuan ang isang bagay na gusto niyang marating sa buhay niya. Marami siyang plano para sa kinabukasan niya at sa kanyang pamilya. Lumalaban siya sa kanyang mga pangarap at naniniwala siya sa pangalan ng Diyos na maabot niya lahat ng ito sa tamang panahon. Nagsisikap rin siyang tulongan ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbutihin ang kanyang pag-aaral para maganda ang magiging trabaho niya sa hinaharap kahit nahihirapan na siya lumalaban parin para sa kinabukasan niya sa buhay.

CARLOS RESOSO
Si Jill Macapaz ay isang grade 11 GAS na mag-aaral sa LIDE learning Center. Siya ay labing-anim na taong gulang na. Siya ay determinado sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Marami siyang pangarap sa buhay at naniniwala siyang maabot niya lahat ng ito sa pamamagitan ng Diyos na nagpapalakas sa kanya. Nagsisikap din siya ng mabuti sa kanyang pag-aaral, at kahit nahihirapan na patuloy parin siyang lumalaban para maabot ang kanyang mga pangarap.

JILL MACAPAZ
Si Klark Marquez ay isang mag-aaral sa Grade 11-GAS ng departamento ng senior hayskul sa LIDE Learning Center, Inc. Siya ay labing-walong taong gulang na, at nangangarap siyang maging isang direktor ng pelikula o isang animator. Pangarap niyang makapangibang-bansa at magtrabaho sa isang bansa malamig ang klima (di katulad ng klima ng Pilipinas). Kahit mas marunong pa siyang magsalita ng Ingles kaysa sa Filipino, matatag pa rin ang kanyang respeto at hanga para sa Inang Bayan. Isa sa kanyang mga pangarap s abuhay ay gumawa ng pangalan para sa kanyang sarili sa industriya ng pelikula at animation, internasyonal man o lokal.
