top of page
Search

Liham at Resume

  • Writer: Klark Marquez
    Klark Marquez
  • Mar 22, 2021
  • 11 min read

Ang liham ay ginagamit sa iba't ibang aspeto ng isang propesyunal na tagpuan. Maaaring ang liham ay pormal o di pormal. Pormal ang liham kapag ang layunin nito ay ang pakikipagtalastasan at pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa paghahanap ng tanggapang mapapasukan at sa iba pang uri ng pakikipagkalakalan. Di pormal ang liham kapag ito ay isinusulat para sa mga kaibigan, kamag-anak, at malalapit na kilala.

Ang resume naman ay ginagawa ng isang aplikante upang maitala niya ang kanyang mga karangalan at karansan sa pag-aaplay para sa isang posisyon o trabaho sa isang kumpanya.


Layunin:

  1. Nakikilala at nasusuri ang iba't ibang uri ng liham

  2. Nakapagsasaliksik ng iba't ibang uri ng liham

  3. Nakasusulat ng bawat uri ng liham


Mga Halimbawa:

LIHAM PAGBATI


Jill Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation,

Isabel, Leyte


Ika-7 ng Agosto 2021


Maria Eliza Santos

105 Nimbus Street

Cebu City


Mahal kong Eliza:


Maligayang kaarawan! Napakabilis nga naman ng panahon. Hindi ako makapaniwalang na dalawangpung taon ka na. Talagang tumatanda na tayo at lumalaki na rin ang ating mga reponsibilidad, pero sana ay hindi ka nagpapaka-estress diyan sa iyong buhay. I-enjoy mo lang ang bawat oras mo dito sa mundo, at huwag mo sana kalimutang alagaan ang iyong sarili. At mabigyan mo sana ng importansya at halaga ang mga tao na nagmamahal sa’yo nang tunay. Ang hiling ko para sa iyo ay sana maging maligaya ka ngayon araw na ito at hindi lamang ngayon at maging sa iyong buong buhay. Hinihiling ko rin na sana ay makamit mo lahat ng mga pangarap mo at bigyan ka pa sana ng Diyos ng mahabang buhay at malusog na katawan palagi. At sana ay ibigay ng Diyos lahat ng ninanais ng iyong puso. Mag-ingat ka diyan. Ipagdadasal kita palagi. Maligayang kaarawan ulit.



Nagmamahal,


Jill Macapaz

LIHAM PAANYAYA

Jill Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation,

Isabel, Leyte


Ika-5 ng Oktobre 2027


Juanito Suarez

3428, Sto. Nino Street

Isabel, Leyte



Mahal kong Juanito:


Nagagalak ako sapagkat napakatagal na rin na panahon ang lumipas mula nang nakapadala ako sa’yo ng sulat. Natatandaan ko pa ang huling liham na ipinadala ko sa’yo; tungkol iyon sa mga pangako nating dalawa. Nakakalungkot lang isiping hindi pala talaga tayo nakatadhana para sa isa’t-isa. Ilang taong din nang tayo’y nagpapalitan ng mga liham at marami-rami din tayong nabuong alaala. Ngunit, ako’y masaya para sa iyo dahil sa wakas ay nahanap mo na ang magmamahal sa’yo ng totoo habang buhay. Masaya na din ako sa aking buhay at natagpuan ko na rin ang taong magmamahal sa akin nang totoo. Gusto kung ipa-alam sa iyo na ngayong ika-7 ng Desyembre ay ikakasal na ako at ikatutuwa kong makita ka sa araw ng aming kasal.


Nagmamahal,


Jill Macapaz

LIHAM TAGUBILIN

Jill Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No. 09642245473


Ika-28 ng Hulyo 2021


G. Sevi Camero

Site Engineer

PASAR Corporation

LIDE, Isabel, Leyte


Mahal na Ginoong Camero:


Magandang araw! Sumusulat ako ng liham na ito sa ngalan ng Ann Corporation upang ipaalam sa inyo ang tungkol sa aming poyekto sa kontruksyon. Inilipat ng kompanya ang iyong paunang bayarin sa iyong account. Ang mga kinakailangang pahintulot ay nakuha na rin. Samakatuwid, dapat kang magsimulang magtrabaho sa lugar ng konstruksyon mula Lunes, ika-3 ng Agosto.

Pinapaalahanan kang sumunod sa mga tuntunin ng aming kontrata. Nakalaan sa amin ang karapatang mag blacklist sa iyong iyong kumpanya sakaling may anumang paglabag sa kasunduan.


Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz

LIHAM PASASALAMAT

Jill Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No. 09642245473


Ika-4 ng Pebrero 2021


G. Kalix Jace Martinez

Customer

LIDE, Isabel, Leyte


Mahal na Ginoong Martinez:


Magandang araw! Tunay kaming nagagalak na paglingkuran ka. Ipinagmamalaki ng Ann Corporation ang pagbibigay ng priyoridad sa aming minamahal na customer, at alagaan at bigyan kayo ng magandang kalidad at pangmatagalang bahay. Palagi kaming nagsusumikap na lampasan ang mga inaasahan ng aming mga customer at matugunan ang iyong mga kinakailangan.

Kung may magagawa pa kami para sa iyo, mangyaring ipaalam sa amin. Pinahahalagahan din namin ang iyong puna; ito ang nagpapanatili sa atin ng pagpapabuti. Salamat ulit sa pagpili sa amin. Inaasahan naming na ikaw ay magiging isa sa aming pinahahalagahan na mga customer sa darating na mga taon.


Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz

LIHAM KAHILINGAN

Jill P. Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No.: 09532454786


Ika-24 ng Nobyembre, 2020


Bb. Jona Ramas

Hiring Manager

PASAR Cooperations

LIDE, Isabel, Leyte


Mahal na Binbining Ramas:


Maligayang pagbati! Nagagalak ang Ann Cooperation na makikipag ugnay sa inyong negosyo. Maligaya kaming bumabati sa bagong proyektong pabahay na inyung inilunsad.


Ngunit, ikinalulungkot naming ipaalam sa inyo na hindi namin natangap ang kopya ng kontrata na aming inaasahan mula sa inyo. Kinakailangan namin surrin ng mabuti ang mga pamantayan at nilalaman bago kami makasang-ayon sa mga mungkahi ninyo. Napakakalaking tulong nito kiung maaga ninyong titingnan ang bagay na ito. Hindi namin kaya pang mag-aksaya ng oras dahil dito rin dumedepende ang ating pakikipagugnayan at ating benta. Kaya inaasahan na matanggap namin ang kopya sa mas maagang panahon.


Inaasahan namin ang inyong pagtugon sa lalong madaling panahon. Tawagin lang kami sa numerong 8-7241 para sa karagdagang impormasyon.



Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz

LIHAM PAGSANG-AYON

Jill P. Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No.: 09532454786


Ika-4 ng Oktubre, 2020


Bb. Guinevere Quanqo

Interior Designer

Valeria Cooperation

E Building, Bonifacio Avenue, Quezon City


Mahal na Binibining Quanqo:


Maligayang pagbati! Nais naming sabihin sayo na sumasangayon ako sa kasunduang ginawa noong pagkikita natin noong ika-30 ng Setyembre.


Ayon sa ating pagpapanayam, ang aming kompanya, Ann Cooperations, ay lubos na tumatangap sa pagtustos ng matiryales tungkol sa pabahay na proyekto na inyong hinihiling. Magpapadala kami ng mga sapat na matiryales sa lugar ng pagpapatukod kada 10-11 AM ng umaga dalawang beses sa loob ng limang lingo. Kapag natapos na ang proyekto, inaasahan namin na makatanggap ng ₱500,000. Kapag nabigo ang kasunduan, inaasahan na mapawalang bisa ang ating kontrata.


Inaasahan namin ang inyong pagtugon sa lalong madaling panahon upang masimulan na ang aitng kasunduan.


Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz

LIHAM PAGTANGGI

Jill Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No.:09532454786


Ika-22 ng Oktubre 2021


G. Joshua Arpia

Manager

Romanska Estate

1138 Aguilar Street, Manila


Mahal na Ginoong Arpia:


Maligayang pagbati! Natangap ko ang mensahe na inyong pinapadala sa aking email. Gusto mong makipag negosasyon tungkol sa mga materyales na gusto mong ipadadala sa darating na ika-16 ng Nobyembre.


Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na hindi muna kami magpapadala sapagkat bibili muna kami ng mga bagong materyales na aming popondohin. Hindi kaagad at mahihirapan kami makapag-restock dahil sa kabagalan ng pagbili at pagpadala ng materyales dahil sa pandemya.


Sana po ay lubos na maunawaan niyo po ang aming situwasyon. Gayunpaman, pwede naman ipagpaalam sa inyo kaagad kapag na restock na aming materyales.

Maraming salamat sa pag-iintindi.


Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz

LIHAM PAG-UULAT

Klark Lynus G. Marquez

C-23, Golden Shower

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte

Contact No.: 09654575258


Ika-11 ng Mayo 2028


Bb. Rebecca Ribeiro

Head of Operations and Human Resources

A24 Films

Makati, Metro Manila


Kagalang-galang na Bb. Ribeiro:

Itong liham ay nagbibigay ulat tungkol sa maikling pelikula na dapat matapos sa ika-30 ng Hulyo, 2028. Ang proyekto na ito ay ikalalahok sa Annual Short Film Festival na magaganap sa Agosto na siyang makaktulong sa pag-unlad ng kompanya. At kapag nagwagi at may napanalunang premyo, ito ay ipapadala sa pagbibili ng bagong materyales na makakatulong sa paggawa ng bagong pelikula.


Buod sa mga Nakumpletong Trabaho:

· Natapos na nag retake sa mga eksenang 12 hangang 20

· Natapos gawin ang draft para sa movie poster

· Binibigyan ng Pahintulot na pwede kunan ng eksenang 25 hanggang 30 sa abandonadong bodega


Gawain na dapat Naisasakatuparan sa ika-15 ng Hunyo

· Napost na ang final moive poster sa official FB page ng kompanya

· Rough edit sa mga lahat ng eksenang tapos nakunan

· Final shooting sa mga huling eksenang 40-45


Konklusyon:

Ang maikling pelikula na proyekto ng Adobong Manok Productions ay naisasagawa ayon sa planadong schedule. Walang mga kagamitan ang nasira at tauhan na napahamak sa pag film ng mga eksena. Kapag may maliit or malaking problema ay inaasahng maisolba kaagad.



Lubos na gumagalang,


Klark Lynus G. Marquez

LIHAM PAGSUBAYBAY

Jill P. Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No.: 09532454786


Ika-2 ng Hunyo 2018


G. Ramon Chua

Hiring Manager

PASAR Cooperations

LIDE, Isabel, Leyte


Mahal na Ginoong Chua:


Nagbigay ako ng liham aplikasyon at resume sa inyo noong ika-4 ng Mayo 2018 para sa architect na trabaho mula sa pinapahayag ng inyong website. Mula sa ngayon, hindi pa ako nakatangap ng tugon mula sa inoyng kompanya. Gusto ko po malaman na tinanggap at pasok na ako sa trabaho.


Interesado akong magtrabaho sa Ann Industries at naniniwala ako sa aking mga kakayahan at karanasan na maging isang tapat at perpektong empleyado ako para sa posisyon na aking inaaply. Gayunpaman, sa tatlong taong paulit-ulit na gantimpala na aking nakamit ay tiyak na tugma ito sa aking posisyon.


Ipagpaalam po sa akin kung meron kayong karagdagang impormasyon. Matatawagan ako sa 8700-000 o jillmacapas22@gmail.com. Inaasahan ko ang iyong tugon. Salamat.


Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz Aplikante

LIHAM PAGBIBITIW

Klark Lynus G. Marquez C-23, Golden Shower

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte

Contact No.: 09654575258

Ika-4 ng Disyembre 2030 Bb. Rebecca Ribeiro

Head of Operations and Human Resources

A24 Films

Makati, Metro Manila



Kagalang-galang na Bb. Ribeiro:


Magandang araw po! Ako po si Klark Marquez, isang editor sa post production department. Sumusulat po ako upang ipahayag ang aking pormal na pagbibitiw bilang editor simula sa ika-10 ng Disyembre upang mabigyang-daan ang aking pangarap na mangibang-bansa. Nais ko rin pong ipabatid sa inyo ang aking kagalakan sapagkat sa loob ng apat na taon sa kumpanya, marami po akong natutunan hindi lamang po sa gawain sa trabaho, gayundin po sa aking sarili.


Sa muli, maraming salamat po.


Lubos na gumagalang, Klark Lynus G. Marquez Editor

LIHAM KAHILINGAN NG MAPASUKAN/APLIKASYON

Klark Lynus G. Marquez

C-23, Golden Shower

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte

Contact No.: 09654575258


Ika-3 ng Marso 2026


Bb. Rebecca Ribeiro

Head of Operations and Human Resources

A24 Films

Makati, Metro Manila


Kagalang-galang na Bb. Ribeiro:


Pagbati!


Ako po si Klark Marquez na nagtapos ng magna cum laude na may bachelor’s degree sa Film sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang junior video editor o anumang posisyong nauukol sa aking kurso.


Ang pag-iintern ko sa limang istudyo ay aking maipagmamalaki upang makasiguro na ako po ay matiyaga at handang balikatin ang anumang responsibilidad na iaatang ng inyong kompanya sa akin.


Sa kasalukayan, ako po ay namamahala ng aking sariling istudyo. Maaari kang tumukoy sa aking resume para sa mga karagdagang detalye tungkol sa aking mga kredensyal. Kung mayroon kang mga katanungan, mangyaring huwag magdalawang-isip na makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng mga detalyeng ibinigay ko sa itaas.


Maraming salamat po sa inyong pagtugon.



Lubos na sumasainyo,



KLARK LYNUS G. MARQUEZ

Aplikante

LIHAM PAGHIRANG

Jill Macapaz

Brgy. Sta. Cruz, Relocation, Isabel, Leyte

Contact No. 09642245473


Ika-2 ng Setyembre 2021


G. Adonis Ramos

Aplikante

LIDE, Isabel, Leyte


Mahal na Ginoong Ramos:


Sa pagtukoy sa mga talakayan na mayroon ka sa amin, nalulugod kaming italaga sa iyo ang sumusunod na mga tungkulin:

1. Ikaw ay hinihirang bilang site engineer ng aming kumpanya.

2. Itatalaga ka sa aming construction site sa Tagaytay.

3. Ang iyong appointment ay napapailalim sa iyong pagiging medikal na akma sa lahat, mga oras.

4. Maaari kang ilipat pansamantala o permanente para sa tungkulin kahit saan sa Tagaytay, depende sa mga pangangailangan ng iba pang mga lugar ng konstruksyon ng aming kumpanya.


Maligayang pagdating sa Ann Corporation!


Lubos na sumasainyo,


Jill Macapaz

LIHAM PAGPAPAKILALA

Klark Lynus G. Marquez

C-23, LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte

Contact No.: 09654575258


Ika-5 ng Abril 2021


G. Francisco N. De Los Reyes

Director, Admissions Office

University of the Philippines Diliman

Quezon City, Metro Manila


Kagalang-galang na G. De Los Reyes:


Magandang araw!


Sinusulat ko ang liham na ito upang ipakilala ang aking sarili dahil ako ay interesado sa pagpasok sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sapagkat ang sistema ng edukasyon sa inyong unibersidad ay napakahusay, lalong-lalo na sa larangan ng paggawa ng pelikula. Ang unibersidad ay maaaring makatulong sa pagtuloy ng aking bachelor's degree sa Film.


Ako po si Klark Lynus G. Marquez, isang senior high school na mag-aaral sa LIDE Learning Center, Inc. Bilang isang nangangarap na direktor o tagapaggawa ng pelikula, napakahalaga para sa akin ang pagkuha at paghuli ng mga kuwento gamit ang film at kamera. Ang paglikha ng mga kuwentong maaaring mag-iwan ng epekto sa isipan ng isang tao ay nangangailangan ng isang malakas na pundasyong intelektwal, at naniniwala akong mayroon ako nito. Makikita niyo po ang ebidensiya ng aking karunungan sa akademya sa transkript ng aking mga grado sa hayskul at resulta sa iba’t ibang pambansang pasulit.


Bukod dito, aktibo din ako sa iba't ibang mga aktibidad na extracurricular. Sa nagdaang mga taon, nakakuha ako ng mga parangal sa mga pambansang kombensiyon at mga kumpetisyong pinangangasiwaan ng gobyerno. Ipinakita ko ang aking mga kasanayan sa pagsulat ng sanaysay, sa pagsasalita sa publiko, at sa paggawa ng pelikula. Ako rin ay naging isang opisyales sa Supreme Student Government (SSG), sa mga klase, klab, at sa Citezenship Advancement Training (CAT). Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, natutunan ko kung paano maging isang mabisang pinuno para sa iba`t ibang mga pangkat. Ito ay isang mapagpakumbabang karanasan at dahil dito natutunan ko kung paano magtrabaho at makipag-ugnay nang naaayon sa iba't ibang uri ng kapaligiran at kasamahan.


Inaasahan ko pong makarinig mula sa iyo sa madaling panahon.


Lubos na gumagalang,


Klark Lynus G. Marquez

Aplikante

LIHAM PAGKAMBAS

Klark Lynus G. Marquez

C-23, Golden Shower

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte

Contact No.: 09654575258


Ika-13 ng Enero 2031


G. Bayani Oanes

Production Manager

Mandaue Foam Industries, Inc.

Ormoc City



Kagalang-galang na Ginoong Oanes:


Ang layunin ng liham na ito ay upang malaman ang halaga ng mga produktong nais ng aming kumpanya na bilhin para sa nalalapit na pagsisimula ng produksyon ng aming pelikula ngayong ika-10 ng Pebrero. Nangangailangan kami ng iba’t ibang muwebles para sa gagawin naming mga set sa aming istudyo.


Maaari po bang bigyan niyo ako ng presyo ng mga sumusunod:

a. Double Deck Metal Bed









b. Wood Ceiling Light










c. Foam Mattress










d. Table Lamp











e. Study Desk












f. White Linen Bedding











Inaasahan ko po ang iyong pagsagot sa madaliang panahon. Salamat.


Lubos na gumagalang,


Klark Lynus G. Marquez Negosyante

LIHAM PAGTATANONG

Carlos Miguel Resoso

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte Contact No.: 09176453235


Ika-26 ng Pebrero 2021


Bb. Mary Rose Roces

Stocks Officer

Ayala Corporation

Makati, Metro Manila


Mahal na Bb. Roces:


Naging matagumpay ang aking panimulang prinsipal na puhunan sa pagbili ng stocks sa inyong korporasyon at ito rin ang nagbigay daan na mas mapalago ang kita ng aking perang naipundar. Ngunit sa pagkakataon na ito, mas lalo ko pang pinlanuhan na paramihin ang aking stocks upang mas mapalawig ito.


Kung maaari po lamang ay maibahagi niyo po sa akin ang lahat ng mga impormasyong nabibilang ukol sa ganitong bagay lalo na sa mga karagdagang mga kinakailangan upang maisakatuparan ang aking hiling na ito. Gusto ko rin po sanang malaman ang magiging proseso sa hakbang na ito at kung sino-sino ang aking lalapitan upang maaprubahan ito.


Mangyari po lamang na mayroon po kayong katanungan o gusto linawin sa akin, maaari niyo po akong tawagan sa aking numero: 09176453235 o di kaya ay sa aking email address resosocarlos15@gmail.com .



Magalang na sumasainyo,


Carlos Miguel Resoso

LIHAM PAKIKIDALAMHATI

Carlos Miguel Resoso

D-18, Tulip Road

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte

Ika-26 ng Pebrero 2021


Andrew Lina

155 Real St.

Tondo, Manila



Mahal kong kaibigang Andrew:


Lubos akong nakikidalamhati sa iyo at sa iyong pamilya sa pagkawala ng iyong pinakamamahal na lolo Prudo. Alam ko kung gaano kayo kalapit sa isa’t-isa lalo na sa inyong mga walang sawang kwentuhan tuwing bumibisita ka sa kanilang tahanan. Marahil ngayo’y masakit tanggapin ang pangyayaring iyan ngunit darating din ang panahan na magiging maayos din ang lahat. Basta’t laging tatandaan na andito lang ako para sa iyo at huwag kalimutan magdasal. Nawa’y maging matahimik siya sa kabilang buhay.



Ang iyong pinakamalapit na kaibigan,


Carlos Resoso

LIHAM PAKIKIRAMAY

Carlos Miguel Resoso

D-18, Tulip Road

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte


Ika-26 Pebrero 2021


Nala Magsaysay

24H Roval St., Southwest Homes

Laur, Nueva Ecija


Mahal kong Tita Lala:


Napag-alaman ko po na kabilang daw po kayo sa malaking sunog na nangyari sa inyong subdivision noong isang araw. Labis ang aming pagaalala nang malaman namin ang pangyayari at agad kami nagpulong upang mapagusapan ang mga hakbang upang kayo’y maabutan ng tulong. Nais po naming na iparating ang aming lubos na pakikiramay at hinahangad namin na sana’y makaraos kayo agad sa sakunang inyong naranasan.


Kung may nais kayong hingin na tulong at iba pang pangangailangan, huwag po kayong magatubiling tumawag kahit sino sa amin.



Nagmamahal,


Carlos Resoso

LIHAM PANANAWAGAN

Carlos Miguel Resoso

D-18, Tulip Road

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte


Ika-26 Pebrero 2021


G. Josiah Laurente

BPI Bank Manager

BPI QC Branch, J&C Building

Quezon City


Kagalang-galang na G. Laurente:


Napag-obserbahan ng maraming mga kliyente ang mabagal na usad ng transaksyon sa inyong mga teller at kawalan ng sistema sa pakikipaghalubilo sa mga pumupunta sa banko upang isaayos ang kanilang mga transakyon sa banko. Naging masyadong usad pagong ang takbo ng pagtatrabaho ng iyong mga tauhan na tila ba’y sobra sobrang oras ang kinakain.


Nais ko po sana na mabatid po sa iyong kaalaman ang pangyayaring ito at magawan po ng aksyon ang aming hinaing ukol sa bagay na ito sapagkat ito’y magdudulot ng mas matiwasay na proseso sa banko at maging tulad ng isang likido ang usad ang bawat transaksyon ng inyong kliyente.



Sumasainyo,


Carlos Miguel Resoso

LIHAM PAGPAPATUNAY

Carlos Miguel Resoso

D-18, Tulip Road

LIDE Staff Housing, Isabel, Leyte


Ika-26 Pebrero 2021


G. Peter Dela Cruz

Department Manager

JLX Company

351 Gumamela St., Marikina



Mahal na Ginoong Dela Cruz:


Nilalaman ng liham na ito ang pagtatrabaho ng pinangalang emplayado.


Pangalan ng Empleyado: Jose Luis De Quatro

Numero ng Social Security: 932-87-555

Araw ng Kapanganakan: Disyembre 18, 1989

Kompanya: JLX Company

Mga Petsa ng Pagtatrabaho: Mayo 22, 2017 hanggang kasalukuyan

Pwesto sa Trabaho: Sales Supervisor

Taunang Sweldo: Php 257,890.00


Ang mga impormasyon nailakip sa liham na ito ay kung ano ang totoo. Mangyari na mayroon pa po kayong nais malaman na impormasyon tungkol sa empleyado, maaari po kayong magpadala ng email sa resosocm@gmail.com.



Sumasainyo,


Carlos Miguel Resoso

RESUME





Repleksyon:

Ang pagsulat ng liham aplikasyon at resume ay napakahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalahad ng isang tao ang mga importanteng impormasyon tungkol sa kanyang sarili sa inaaplayan niya na kompanya. At napakahalaga nito dahil ito ang isa mga bagay na ginagawang batayan kung ang tao ba ay kwalipekado at karapatdapat sa posisyon.

Ang pagsulat rin ng liham ay napakahalaga sapagkat ito ang nagpapakita ng propesyunalismo sa opisina.

 
 
 

Comments


bottom of page