Katitikan ng Pulong
- Klark Marquez
- Mar 23, 2021
- 1 min read

Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay sa isang nakaraang pulong. Ang layunin ng pagsulat ng katitikan ng pulong ay upang pormal na maiiulat ang mga kaganapan na naisasagawa ng grupo. Dito makikita ang mga gawain o plano na naitala gaya ng oras ng pagpupulong at ang mga paksang pinag-uusapan. Para narin malaman ng iba ang progreso o daloy sa ginawa naming mga pulong at mahahalgang pinaguusapan ng mga miyembro. At highit sa lahat, malaman ng mambabasa ang aming mga plano sa pagsasagawa ng mga gawain sa pormal na pamaraan.
Layunin:
Napahahalagahan ang pagsasagawa ng pagpupulong
Naitatala ang mahahalagang napag-usapan sa pulong sa pamamagitan ng pagsulat ng katitikan ng pulong
Nakapagsasagawa ng pagpupulong at nababalik-tanawan sa pamamagitan ng katitikan nito
Halimbawa:











Repleksyon:
Mahalaga ang pagsusulat ng katitikan ng pulong para matala ang mga naisagawa ng pangkat, at para na rin may mailahad ang pangkat kapag tinatanong sila sa kanilang progreso. Ito ang nagsisilbing gabay para matandaan at maitala ang nangyari o ang mga pinag-usapan. At ito rin ang sisilbing dokyumento at sanggunian sa sumusunod na mga pulong.
Comments