Agenda at Memo
- Klark Marquez
- Mar 23, 2021
- 2 min read

Ang agenda ay talaan ng mga pinag-uusapan sa isang pormal na pulong. Sumusulat ang isang pinuno ng agenda upang mabigyan ang kanyang mga miyembro ng impormasyon sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon. Binibigyang-halaga rin dito ang rekomendasyon na lulutas sa isang isyu.
Layunin:
Natutukoy ang kahalagahan ng talaan ng pag-uusapan sa isang maayos na pagpupulong
Nabibigyang-halaga ang etika sa pagsulat ng agenda
Nakasusulat ng agenda ayon sa mga dapat isaalang-alang na pamamaraan
Halimbawa:
Memo Bilang 1
PETSA : Enero 19, 2021
PARA SA : MGA KAPANGKAT O KASAPI
RE : PAGPULONG PARA SA PAGTATAKDA NG MGA TUNGKULIN
MULA KAY : CARLOS MIGUEL M. RESOSO
Pinuno
Ipinaaalam sa lahat ng mga kasapi ng grupo na ang pagpupulong para sa pagtatakda ng mga tungkulin ay gaganapin sa ika-20 ng Enero, 2021 sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang 2:00 ng hapon sa Google Meet.
AGENDA
1. Pagsisimula
2. Pagtsek ng attendance ng secretary.
3. Pagtatakda ng tigdadalawang kasapi sa pagsulat ng abstrak at sintesis.
4. Pagbibigay ng mga paalala gaya ng:
- Kapag tapos nang gawin ang pinapagawa ay ipasa agad.
- Pag may bakanteng oras ay gawin agad ang pinapagawa para hindi na makalimutan.
- Pag nalilito sa gagawin ay huwag mahiyang magpatulong sa mga kasapi.
5. Pagkukuha ng screenshot sa mga dumalo sa pagpupulong ng pangkat para marecord ng recorder.
Memo Bilang 2
PETSA : Enero 26, 2021
PARA SA : MGA KAPANGKAT O KASAPI
RE : PAGPULONG PARA SA PAGTATAKDA NG MGA TUNGKULIN
MULA KAY : CARLOS MIGUEL M. RESOSO
Pinuno
Ipinaaalam sa lahat ng mga kasapi ng grupo na ang pagpupulong para sa pagtatakda ng mga tungkulin ay gaganapin sa ika-27 ng Enero, 2021 sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang 2:00 ng hapon sa Google Meet.
AGENDA
1. Pagsisimula
2. Pagtsek ng attendance ng secretary.
3. Pagtatakda ng mga kasapi sa paggawa ng talumpati, posisyong papel, replektibong sanaysay at sa paggawa ng indibidwal na larawang sanaysay, lakbay sanaysay, at bionote
4. Pagbibigay ng mga paalala gaya ng:
- Kapag tapos nang gawin ang pinapagawa ay ipasa agad.
- Pag may bakanteng oras ay gawin agad ang pinapagawa para hindi na makalimutan.
- Pag nalilito sa gagawin ay huwag mahiyang magpatulong sa mga kasapi.
5. Pagkukuha ng screenshot sa mga dumalo sa pagpupulong ng pangkat para marecord ng recorder.
Memo Bilang 3
PETSA : Pebrero 23, 2021
PARA SA : MGA KAPANGKAT O KASAPI
RE : PAGPULONG PARA SA PAGTATAKDA NG MGA TUNGKULIN
MULA KAY : CARLOS MIGUEL M. RESOSO
Pinuno
Ipinaaalam sa lahat ng mga kasapi ng grupo na ang pagpupulong para sa pagtatakda ng mga tungkulin ay gaganapin sa ika-24 ng Pebrero, 2021 sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang 2:00 ng hapon sa Google Meet.
AGENDA
1. Pagsisimula
2. Pagtsek ng attendance ng secretary.
3. Pag-aasign ng mga kasapi sa paggawa ng mga uri ng mga liham at resume
4. Pagbibigay ng mga paalala gaya ng:
- Kapag tapos nang gawin ang pinapagawa ay ipasa agad.
- Pag may bakanteng oras ay gawin agad ang pinapagawa para hindi na makalimutan.
- Pag nalilito sa gagawin ay huwag mahiyang magpatulong sa mga kasapi.
5. Pagkukuha ng screenshot sa mga dumalo sa pagpupulong ng pangkat para marecord ng recorder.
Repleksyon:
Mahalaga ang pagsulat ng agenda upang mapag-aralan kaagad ng mga kasangkot ng pagpupulong lung ano ang pag-uusapan. Mahalaga ito upang magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang nilalaman ng agenda at makapagbigay pa ng mga mingkahi o ideya.
コメント