top of page
Search

Bionote

  • Writer: Klark Marquez
    Klark Marquez
  • Mar 22, 2021
  • 3 min read

Updated: Mar 22, 2021


Ang bionote ay talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa may-akda sa loob ng karaniwa'y dalawa hanggang tatlong pangungusap, o kahit isang talata lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan (Word-Mart 2009). Karaniwang makikita ang bionote sa likod ng mga nailimbag na mga aklat na piksyon o pang-akademiko.


Layunin:

  1. Natutukoy ang katangian ng bionote

  2. Nabibigyang-kahulugan ang layunin ng bionote kaugnay sa paglalathala

  3. Nakasusulat ng bionote batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika


Halimbawa:

Si Maria Elvira M. Garcia ay ipinanganak at lumaki sa bayan ng Palompon, Leyte. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Music in Music Education sa University of the Philippines Diliman, Quezon City. Sa kanyang pag-aaral sa UP, naging miyembro siya ng UP Concert Chorus na kumatawan sa Pilipinas sa Ikaapat na International Choral Festival sa Licoln Center sa New York, Estados Unidos noong 1974. Naging parte rin siya ng UP Madrigal Singers.

Si Gng. Garcia ay tumulong din sa pagsulat ng isang textbook series na pinamagatang Enjoying Life through MAPEH para sa ika-una hanggang sa ikaanim na baitang. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng piano sa La Salle School of Saint Benilde sa Maynila, at nagtuturo rin siya ng mga one-on-one piano classes.

Si Quin Ivan Tacmo ay isang enhinyero na nagtratrabaho sa Toledo City, Cebu. Siya ay ipinanganak noong ika-26 ng Hulyo, 1994 sa PASAR Clinic, Isabel Leyte. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Science in Metallurgical Engineering. Ang mga agham na kanyang pinag-aralan noong kolehiyo ay Metallurgy, Engineering, Mathematics, Physics, at Chemistry. Napanaluanan rin niya ang pangunahing gantimpalak noong University Intramurals nila. At napabilang rin siya sa mga Executive Council noon.

Ngayon ay isa na siyang Recovery Foreman ng Carmen Copper Corporation. Ang kanilang pangunahing gawain ay kinukuha ang mga sulfidic ores mula sa bukas na hukay at nakukuha ang concentrate ng tanso mula sa kanila. Naaayon ito sa kanyang degree bilang isang metalurhiko engineer. Bago palamang siya sa kompanyang ito pero para sa kanya, isa nang parangal na mapabilang at makatrabaho sa korporasyong ito.

Si Alfred Jake Pacabis ay isang pulis. Siya ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kursong BS in Criminology sa NSU o Naval State University noong 2020. Siya ay 25 taong gulang na, at ipinanganak siya noong Nobyembre 9, 1995 sa Leyte. Bilang isang pulis, tungkulin niyang mapanatili ang batas at kaayusan sa mga local na lugar sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga miyembro ng publiko at kanilang mga pag-aari at pag pigil ng mga krimen para pabutihin ang kalidad ng buhay para sa lahat ng mga mamamayan. Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang isang pulis sa Ormoc City ng mahigit isang taon at dalawang buwan na.

Si Bb. Mary Faith U. Madayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Civil Engineering, sumacum laude at Mater of Engineering in Civil Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2015. Nag-aral din siya ng “Interior Designing” at marami na siyang natamong mga parangal sa iba’t ibang bansa dahil sa angkin nitong galing sa pagpapatayo, pagpapatibay, at pagdedesensiyo ng mga gusali; katulad na lamang ng karangalang natamo niya sa New York City bilang isa sa mga matagumpay at kilala na Arkitekto sa buong mundo. Nakadalo na siya sa iba’t ibang kumprehensiyang pangguro sa Pilpinas at pati na rin sa ibang bansa tulad ng Japan, Singapore at America. Siya ay nagtrabaho bilang isang Junior Engineer ng tatlong taon sa isang Architectural firm na Aidea Philippines Inc. Nagtrabaho rin siya bilang head engineer ng AECOM sa America at naging Head engineer din siya ng Barcelona, kung saan sikat na sikat ang mga makabagong disenyong pang Arkitektura. Ilan sa mga kliyente niya ay ang malalaking kumpanya katulad ng SM Development Corporation at iba pa. Marami na siyang naiambag hindi lamang sa ating lipunan, pati na rin sa iba’t ibang bansa, katulad ng mga sikat na gusali, museo, tulay at mga kabahayan. Siya ngayon ay kabilang sa NGO na tumutulong sa mga mahihirap na bata sa Pilipinas. Nakapagpatayo at nakapagbigay na rin siya ng bahay sa mga nasunugan at nasiraan ng tahanan dulot ng bagyo.


Repleksyon:

Napakahalaga ng pagsulat ng isang bionote sapagkat nagbibigay ito ng pagpapahalaga at pagpapakilala sa isang may-akda o awtor, kung sino ay nagbuhos ng pawis at gumamit ng panahon sa paglathala ng kanyang sulatin. Nararapat lamang na mabigyan ang bawat awtor ng wastong pagpapakilala upang maging tuluy-tuloyan ang kanilang paglikha ng mga akda, piksyon man o pang-akademiko.

 
 
 

Comments


bottom of page