Abstrak
- Klark Marquez
- Mar 15, 2021
- 2 min read
Updated: Mar 22, 2021

Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang “drawn away” o “extract from” (Harper 2016). Ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula ng pag-aaral. Naglalaman ito ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon (Koopman 1997).
Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang abstrak
Nasusuri ang nilalaman ng isang pag-aaral mula sa abstrak nito
Nakasusulat ng isang abstrak mula sa ginawang pananaliksik
Halimbawa:
Ang pananaliksik na pinamamagatang “The Learning Capacity of Senior High School Students in SY 2020-2021 Amidst Pandemic” ay naka pokus sa paglagom ng impormasyon ukol sa mga mag-aaral at ang kanilang kapasidad na mag-aral sa panahon ng pandemya. Sa panahong ito, ang mga paaralan ay dumudulog sa bagong pamaraan ng pagtuturo. Sa kasalukuyan, may epekto ito sa pag-iisip ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at sa kanilang estilo ng paglagom ng impormasyon sapagkat ang mga ito ay nakadepende sa kanilang pananaw sa panibagong pamaraan ng edukasyon sa pandemya. Ang pangunahing intensyon ng pananliksik na ito ay matukoy ang mga samut-saring dahilang nakakaapekto sa pag-iisip at pag-aaral ng mga mag-aaral ng Senior High School ng LIDE Learning Center Inc. sa SY 2020-2021. Ang mga napiling kalahok ay tumutumpak sa mga pamantayan na kinikailanagn ng pananliksik upang makuha ang inaasahang sagot at resulta. Ipinahayag ng datos na ang mga mag-aaral hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay sa mga bagong sitwasyong inihatid ng pandemya. May mga dahilan tulad ng katamaran, pagpapaliban, pagkakawalan ng ganang mag-aral, at iba pa na humahadlang sa kanilang kakayahang maunawaan ang kani-kanilang leksyon nang maayos. Nakakaapekto ito sa kanilang akademikong pagganap. Bilang karagdagan, ang mga mag-aaral ay may posibilidad na masakripisyo ang kanilang kalusugan upang masunod lamang ang mga idindemanda ng kasalukuyang panahon sa halip ng malalim na pag-unawa sa kanilang paksa. Ang kakayahan nila ay naaapektuhan din ng kanilang pananaw sa mga kasalukuyang isyu at pagpapasiya sa edukasyon.
Repleksyon:
Ang pagsulat ng abstrak ay hindi biro-biro. Hindi lamang ito simpleng pagkuha ng bolpen at papel, at pagkatapos ay magsulat, sapagkat ang pagsusulat ng abstrak ay pinagpaplanuhan, pinag-iisipan, pinagtiya-tiyagaan, binibigyan ng oras, at pinaghihirapan. Dapat talagang alam ng isang mananaliksik ang kanyang sulating pananaliksik upang makasulat siya ng makabuluhan at komprehensibong abstrak.
Komentarze